Paano Maiiwasan ang Pagdating ng Kalamidad?
Maiiwasan natin ang pagdating ng mga kalamidad kung aalagaan natin ang ating kapaligiran. Dapat nating iwasan masira pa lalo ang ating mga likas na yaman katulad ng ating mga kagubatan at mga katubigan. Dapat rin tayong makiisa sa mga proyektong naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.Ang lupa na ating tinatapakan , ang tubig na ating iniinom at ang hangin na ating nilalanghap ay mula sa Maykapal. Dapat natin silang pangalagaan bilang tanda ng pagpapasalamat at upang maiwasan natin ang mga kalamidad Ano-ano ang mga dapat nating gawin? Una, iwasan natin ang magtapon ng mga basura sa ating mga ilog at kanal dahil ito ang karaniwang sanhi ng pagbaha. Pangalawa, iwasan din natin ang pagputol ng mga puno para maiwasan ang pagguho ng lupa at biglaang pagbaha. Higit sa lahat, dapat tayong tumulong na hikayatinang ating mga kababayan na makiiisa rin sa mga proyektong ito na naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.Maaari tayong maghanda bago pa man dumating ang sakuna. Ilan sa mga paghahanda na maaari nating gawin ay ang mga sumusunod: pag-iimbak ng maraming pagkain, malinis na inuming tubig, malinis na mga damit, powerbank para sa mga cellphone at mga kandila o lampara kung sakaling mawalan ng kuryente. Mahalaga rin ang panonood sa telebisyon at pakikinig sa radyo ng balita para maging updated sa mga pangyayari bago pa man dumating ang kalamidad nang sa gayon ay mabigyan agad ng abiso ang miyembro ng pamilya na hindi panakakauwi sa bahay. Siguraduhin rin nasa loob ng bahay ang mga bata upang maiwasang masaktan ang sinuman sa kanila sa oras ng kalamidad. Ang pinaka-mahalaga sa lahat, ay huwag magpanik upang manatiling malinaw ang isipan at maiwasan ang mga sakuna.Maiiwasan ang malaking pinsala ng kalamidad kung tayo ay magiging responsableng mamamayan. Matuto sana tayong magtapon ng basura sa tamang lugar at ihiwalay ang mga plastic nang sa ganoon ay hindi bumara ang mga ito sa sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng matinding pagbaha. Malaking tulong rin ang pagtatanim ng mga puno upang maiwasan ang pagbaha, maging ang pagguho ng lupa o soil erosion. Kung lahat tayo ay magiging responsable, sama-sama nating malalampasan ang anumang kalamidad na dumating sa ating bansa. Ang dapat nating gawin para maiwasan ang mga kalamidad ay huwag dapat tayong magtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang matinding pagbaha. Dapat tayong mgatanim ng mga puno para magkaroon tayo ng proteksyon sa malalakas na hangin at para may sumipsip ng tubig baha. Dapat rin nating i-recycle ang mga basura na pwede pang mapakinabangan. Ang mga simpleng bagay na ito ay malaki ang magagawa upang makaiwas o mabawasan man lang ang hagupit ng mga kalamidad sa ating bayan.Ang dapat nating gawin para maiwasan ang mga kalamidad ay huwag dapat tayong magtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang matinding pagbaha. Dapat tayong mgatanim ng mga puno para magkaroon tayo ng proteksyon sa malalakas na hangin at para may sumipsip ng tubig baha. Dapat rin nating i-recycle ang mga basura na pwede pang mapakinabangan. Ang mga simpleng bagay na ito ay malaki ang magagawa upang makaiwas o mabawasan man lang ang hagupit ng mga kalamidad sa ating bayan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento